Oshet!!! Poignant ang magiging kamatayan ko nito, naisip ko, habang pinapakinggan ang mga “tiktik” ng tiktik. Tiktik, yun yung klase ng aswang na gumagawa ng tunog na “tiktik” at kapag naririnig mo ang “tiktik” na malakas at parang nasa paligid mo lang, ibig sabihin malayo pa ang aswang, pero kung mahina at parang malayo ang pinanggagalingan ng tunog, ibig sabihin malapit na ang aswang at papatayin ka na. Eh ngayon, halos bahagya na lang ang tunog ng tiktik, ibig sabihin malapit na to, papatayin na ako ng aswang. Wala nang makakakita sa aking nabubuhay pa.

Dapat siguro tumatakbo na ako, kaya lang, ang problema nasa isang c.r. pa rin ako, kasi sumakit ang tiyan ko. Oo, c.r. sa kalagitnaan ng gubat. Akala ko kanina sobrang swerte ko na, kasi kung kailan ako nagka-diarrhea, ngayon pa ako nakakita ng isang c.r. Problema nga lang at isang pay c.r. ito, at naghanap pa ako ng mga barya para ibayad sa security guard sa labas. Ang guard!

“Manong? Nandyan pa ba kayo sa labas? May tiktik ba kayong nakikita diyan, sa itaas na lumilipad?”

“Wala naman iho,” sabi ni manong guard. “Sige, ipagpatuloy mo na lang ang ginagawa mo.”

“Uhhhh, okay, manong guard,” sabi ko. Maayos naman pala ang lahat ng bagay at walang aswang na papatay sa amin ni manong guard. Pero sabi ko nga sa sarili ko, ready na akong mamatay, meaningful at poignant katulad nung bida sa American Beauty. Nagflashback na sa utak ko ang ilang mga eksena mula sa aking kabataan. Katulad ng pagtae ko sa mga dyaryo na inilagay sa sahig noong bata pa lamang ako, at noong isang beses na natae ako sa probinsiya pero hindi available ang toilet at nakita ako ng crush ko na pinsan ko rin na tumatae sa garden, at noong isang beses na natae ako sa disabled c.r. sa callcenter na pinagtratrabahuhan ko. Naging masaya naman ang buhay ko.

“Uhhhh, iho?”

“Yes, manong guard?”

“Meron nga palang tiktik, sorry ha, nakalimutan ko. Kapag mahina pala ang tunog, iyun pala yung ibig sabihin may tiktik na malapit. Hay nako, sige iho, tatakbo na muna ako, okay.”

“Sige, manong guard.” Paano yan, ibig sabihin mamamatay na pala talaga ako. Hindi pa rin ako makatakbo dahil masakit pa rin ang tiyan ko. Naisip ko, shet! Okay sana itong commercial para sa diatabs! Kung sana nga lang ay nagtratrabaho ako para sa ad agency! Noong sandali ring iyon, napagdesisyunan ko na kung sakaling totoo ang reincarnation, magtratrabaho ako para sa ad agency sa susunod kong buhay.

At nagkatotoo nga, dahil sa aking sumunod na buhay, 20 years pagkalipas ng mga pangyayaring iyon, natanggap ako sa isang ad agency.

The End

Advertisements